Nahaharap na sa disciplinary action ang cleaning staff ng (MRT-3) Metro Rail Transit Line 3.
Ito’y matapos kumalat online ang kontrobersyal na video kung saan bara-bara o madalian lang ang ginawang pag-disinfect sa MRT.
Ayon sa Department of Transportation (DOTr), gumagawa na sila ng hakbang para matugunan ang nakarating na public concerns hinggil sa kahalagahan ng maayos na pag-disinfect sa mga tren sa gitna ng coronavirus pandemic.
Hindi naman direktang tinukoy ng ahensya kung anong sanction ang ipapataw sa mga empleyadong nakunan sa video na tila naglakad lamang habang bitbit ang basahan at disinfectant spray.
“We are assuring the riding public that matters have been taken to prevent a repeat of that unfortunate incident and that the personnel involved are now facing disciplinary action,” saad ng DOTr.
Noong nakaraang buwan nang ihayag ng Department of Health na isa sa naitalang 19 coronavirus variant cases mula United Kingdom ay mula sa empleyado ng MRT.
Ito ay isang 46-anyos na babaeng taga-Pasay City na ang anak ay nagtatrabaho sa MRT.
Nagpositibo ang naturang babae noong January 25 at sumailalim sa home quarantine.