-- Advertisements --

ILOILO CITY – Hihingin ng National Bureau of Investigation (NBI) ang tulong ng court appointed physican upang malaman ang totoong medical condition ni Janiuay, Iloilo Mayor-elect Frankie Locsin.

Napag-alaman na si Locsin ay naka-hospital arrest dahil sa pagsakit umano ng kanyang dibdib nang inaresto ng NBI matapos mapag-alaman na convicted ito sa kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Atty. Raul Quinto, assistance regional director ng NBI-Region 6, sinabi nito na magpapadala sila ng sulat sa The Medical City upang malaman kung ano ang totoong lagay ng kalusugan ni Locsin.

Ayon kay Quinto, ang court appointed physican ang siyang makakapagsabi kung “fit to travel” na si Locsin at maari nang dalhin sa Sandiganbayan.

Nag-ugat ang kaso dahil sa sinasabing pagpayag ni Locsin sa maanomalyang pagbili ng local government unit ng bayan ng Janiuay g P15 million na halaga ng gamot mula sa Priority Development Assistance Fund ni Sen. Vicente Sotto III noong 2001.

Dinakip ang alkalde habang kumukuha ng NBI clearance.