-- Advertisements --
image 168

Matagumpay na naharang ng mga tauhan ng Bureau of Immigration ang tatlong biktima umano ng human trafficking sa Ninoy Aquino International Airport.

Ayon sa ulat ng Immigration Protection and Border Enforcement Section, napag-alaman na ang tatlong lalaking biktima na nag e edad 40 at late 30s ay sinabing una nang nag claim na sila ay mga turista patungong Hong Kong sakay sana ng isang Flight sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3.

Nagtatrabaho umano ang mga ito sa isang konstruksyon.

Matapos na ininterview ang tatlo ay napag-alaman na sila ay patungo sa Ethiopia para mag trabaho.

Paglalahad ng mga biktima na sila ay pinangakuan ng mga trabahong mataas ang sweldo ngunit inutusan silang magpanggap bilang turista.

Samantala, sa ngayon ay na turnover na ang tatlo sa Inter-Agency Council Against Trafficking para matulungan ang mga itong maghain ng kaso laban sa kanilang mga recruiter.