Umugong sa social media ang kumalat na video nang isang deep-sea anglerfish na may mahahaba, matutulis na ngipin at may bioluminescent lure ang natagpuan sa karagatan ng Canary Islands sa Spain.
Ito’y matapos i-post ng NGO marine scientist sa kanilang social media ang nakuhang video kung saan papaakyat sa ibabaw ng surface ng dagat ang naturang anglerfish.
Magsasagawa sana ng pag-aaral tungkol sa mga pating ang mga researcher ng mapansin nila ang tinatawag nilang ‘black seadevil’ na lumalangoy.
Pinaniniwalaan naman ng mga eksperto na ito ang kauna-unahang nakita nilang buhay ang specimen dahil madalas umano ay kundi buto o pawang ‘wala nang buhay ang mga na di-diskubreng deep-sea anglerfish.
Ang anglerfish o ‘black seadevil’ ay karaniwang makikita sa ilalim ng karagatan na may lalim na 200 hanggang 2,000 metro.
Bago ito mawalan ng buhay malapit sa surface ng dagat ay dinala naman ng mga researcher ang katawan nito sa isang Museaum of Nature and Archaeology upang mapag-aralan kung bakit nag tungo ang anglerfish sa mas mababaw na bagahi ng dagat.