-- Advertisements --

Naaresto ng mga otoridad ang isang bomb expert na umano’y miyembro ng terrorist group na Dawlah Islamiyah.

Ang naturang indibidwal ay naaresto ng kapulisan sa bayan ng General Salipada K. Pendatun sa Maguindanao del Sur sa pamamagitan ng police at naval intelligence.

Ayon naman kay Area Police Command-Western Mindanao Chief Maj. Gen. Bernard Banac, ang naturang suspek ay wanted dahil sa iba’t-ibang mga krimen na kinauugnayan mula sa Soccsksargen (South Cotabato, Cotabato, Sultan Kudarat, Sarangani and General Santos).

Siya umano ang nasa likod ng mga bomb attack sa mga bus companies na isinagawa noong 2007 at 2015.

Mayroon din itong warrant of arrest dahil sa 4 count ng attempted murder na unang inilabas ng korte noong December 2022 sa North Cotabato.

Bawat kaso ay may inirekomendang P120,000 na pyansa.

Hindi naman inilabas ang pangalan ng suspek para sa nagpapatuloy na imbestigasyon ukol sa kanya.