-- Advertisements --

PENNSYLVANIA, USA – Tinukoy na ng Federal Bureau of Investigation (FBI) ang gunman na nagtangkang pumatay kay dating US President Donald J. Trump.

Nangyari ang insidente sa political rally Pennsylvania nitong Sabado (oras sa America).

Nakilala ang suspek na si Thomas Matthew Crooks, 20, mula sa Bethel Park.

Pero maliban dito ay hindi pa makapaglabas ng ibang detalye ang mga otoridad.

“This remains an active and ongoing investigation,” wika ng F.B.I. sa kanilang statement.

Nabatid na walang criminal history ang salarin kaya hindi nila mabatid ang motibo nito.

Ang suspek ay napatay din ng mga otoridad matapos ang tangkang pagpaslang nito sa dating pangulo.