-- Advertisements --

Itinangi ng resort owner na si Raymond Ronquillo ng Emon Pulo Beach Resort na naglalagi si dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa kanyang resort.

Una kasing sinabi ni Presidential Anti-Organized Crime Commission Spox Winston Casio na namataan si Guo at iba pang kasamaan nito sa naturang resort noong Hulyo-14.

Sa naging pagdinig ng Senate Sub-Committee on justice and Human Rights, sinabi ni Ronquillo na mistulang ‘na-wow-mali’ ang PAOCC dahil posibleng hindi si Alice Guo ang nakita ng komisyon.

Paliwanag ni Ronquillo, maaaring ang kanilang front desk attendant ang nakita ng PAOCC dahil sa kamukhang-kamukha ito ni Alice.

Sa kabila nito ay aminado naman si Ronquillo na dati nang nagtungo si Alice Guo sa kanyang resort ngunit noon pang 2023. Dito ay nagbakasyon lamang aniya sina Alice Guo kasama ang hanggang 20 katao sakay ng private hellicopter.