-- Advertisements --
image 32

Iniulat ng Philippine Coast Guard (PCG) na natagpuan na nito ang hinihinalang mga debris ng nawawalang helicopter sa karagatan ng Palawan.

Ayon sa Philippine Coast Guard Command Center, nakita ng mga tripulante ng BRP Malabrigo ang posibleng mga debris ng Yellow Bee helicopter sa baybayin ng Brooke’s Point at Balabac na Palawan.

Kung matatandaan, isang medical chopper ang umalis sa Mangsee Island matapos na sunduin ang isang pasyente at dadalhin sana sa ospital sa lugar ng Palawan ngunit kalaunan ay naiulat na nawawala na ito.

Limang pasahero ang sakay ng nawawalang air ambulance kabilang ang piloto, isang nurse, isang pasyente, at dalawang iba pang indibidwal ang nananatilihing pinaghahanap.

Dagdag dito, ang naturang helicopter ay may registry no. N45VX.

Una na rito, nagpaabot na din ng tulong ang Philippine Air Force sa isinasagawang search and rescue operation sa nasabing karagatan.