-- Advertisements --
Inaresto ng mga otoridad ang umano’y tumatayong finance officer ng sinalakay na Zun Yuan Technology Inc., isang POGO na nagpapatakbo ng ilegal na operasyon noon sa Bamban, Tarlac.
Kinilala ng Presidential Anti-Organized Crime Commission ang suspect na si Pan Meishu , isang Chinese citizen.
Nahaharap si Meishu sa mga reklamong may kaugnayan sa umano’y human trafficking at paglabag sa mga immigration law ng bansa.
Ang operasyon ay isinasagawa sa bisa ng search warrant laban sa naturang firm .
Dahil pa rin ito sa mga naging ulat na sangkot ang naturang POGO firm sa isyu ng human trafficking at iba’t-ibang ilegal na aktibidad online.
Nakuha rin sa pag-iingat nito ang dalawang sasakyan mula sa kanyang mamahaling villa na nakapangalan misyo sa kanya.