-- Advertisements --
image 1

Napatay sa ikinasang police operation ang umano’y gunman ni Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo “Arnie” Teves Jr. sa loob ng manukan ng mambabatas sa Bayawan city sa Negros Oriental.

Base sa report mula sa kapulisan, isisilbi sana ng awtoridad ang warrant of arrest sa umano’y gunman na si Alex Mayagma nang sinubukan umano nitong tumakas mula sa mga awtoridad at pinagtangkaan ang buhay ng mga aarestong opisyal.

Sinubukan umanong lapitan ng mga awtoridad si Mayagma subalit tinutukan umano ng suspek ng baril ang isang pulis at tinangkang barilin.

Ito ang nag-udyok sa pulisya na makipag-agawan kay Mayagma upang subukang disarmahan ito.

Nakasaad din sa report na ang lugar ay kilala umano bilang rooster game farm na pagmamay-ari ni Cong. Teves kiung kayat isinasagawa na ang malalimang imbestigasyon para malaman kung bakit nasa lugar si Mayagma.

Itinuturing din si Mayagma na most wanted person sa Central Visayas region na humaharap sa patung-patong na kaso kabilang na ang murder, illegal possession of firearms, at paglabag sa Comelec gun ban noong 2022 elections.

Na-tag din si Mayagma bilang isa sa nasa likod ng serye ng pagpatay sa Negros Oriental sa isinagawang Senate panel hearing sa Degamo slay case sa unang bahagi ngayong taon.

Matapos ang insidente, agad namang nagcall out si Cong. Teves sa mga opisyal ng gobyerno kabilang na si Philippine National Police (PNP) chief Gen. Benjamin Acorda.

Sinabi ng suspendidong mambabatas na mayroong mga indibidwal lulan ng mga van ang gumagala o nagroroving sa kaniyang property at nanutok ng baril sa kaniyang farm workers.

Kayat nananawagan ito sa kapulisan na pagisipan ang kanilang ginagawa at umaasang hindi nila kabaro ang nanutok umano ng baril sa kaniyang mga manggagawa sa kaniyang farm at gawin ng mga ito ng tama ang kanilang report.