-- Advertisements --
FzoY czXgAAqNse 1

Tuluyan ng sumuko sa National Bureau of Investigation ang umanoy gunman sa kaso ng pagpatay sa isang mamamahayag sa Negros Oriental na si Cresenciano Aldevino “Cris” Bundoquin nitong Martes ng gabi.

Ang suspect ay kinilalang si Isabelo Lopez Bautista.

Matapos sumuko ay kaagad naman itong iprinisenta sa mga kawani ng media kasama ang kanyang asawa

Ayon kay Undersecretary Paul Gutierrez ng Presidential Task Force on Media Security, bagamat sumuko si Bautista ay itinatanggi naman nito ang mga paratang na ibinabato laban sa kanya.

Dagdag pa ng opisyal, mananatili si Bautista sa kustodiya ng National Bureau of Investigation at nilinaw nito na pwede pang umuii ang naturang suspect dahil wala pa namang isinasampang kaso laban sa kanya.

Paliwanag pa ni Usec. Gutierrez na gusto umanong makipagtulungan ni Bautista upang maging malinaw ang kaso ng pagpatay sa mamamahayag na si Bundoquin