-- Advertisements --

Umanoy “hideout” ni Quiboiloy sa Kitbog Blaan Community sa bulubunduking bahagi ng Malungon, Sarangani Province walang katotohanan GENERAL SANTOS CITY – Mariing itinanggi ng kampo ni Pastor Apollo Quiboloy na nagtatago ito sa Kitbog Blaan Community sa Barangay Poblacion Malungon Sarangani Province.

Ayon kay Atty. Kaye Laurente, ang Legal Representative ng puganteng pastor na walang katotohanan na ang nabanggit na lugar ay naging taguan ni Quiboloy ngayon.

Mula noong nakaraang taon, hindi na nakakabisita ang founder ng Kindom of Jesus Christ(KOJC) sa nabanggit na lugar.

Ibinunyag nito na noong 1980s nagsimula umano ang pastor sa kanyang pagsasanay sa mga spiritual activities nito kung saan dati ay walang kuryente at mahirap ang transportasyon sa lugar.

Gayunpaman, noong 2011 nang magsimulang mabuo ang Kitbog Blaan Community.

Sa kanyang pahayag, itinayo ang mga istruktura sa lugar sa tulong ng pastor habang maraming residente ang natulungan nito kung saan ang mga nabanggit ay naging miyembro ng KOJC.

Aniya, napakalayo ng lugar mula sa sentrong bahagi ng Malungon kung saan maraming bundok ang madadaanan para marating ang lugar.

Habang hinihiling ni Atty. Laurente na mananaig ang katotohanan sa mga kasong kinakaharap ni Pastor Quiboloy at dadaan ang lahat sa due process at hindi publicity.