Binatikos ng mga dayuhang journalist ang administrasyong Duterte hinggil sa patuloy na panggigipit umano sa mga mamahayag.
Kabilang dito sina Peter Greste, director ng Australia based Alliance for Journalist’ Freedom; Committee to Protrct Journalist Asia Program Coordinator Steven Butler at ang board chairman nilang si Kathleen Carroll.
Bago ang ipinatawag na press conference sa Maynila, nakipagpulong umano ang mga ito sa iba’t ibang grupo ng nga mamamahayag at ilang opisyal ng pamahalaan.
Labis na ikinabahala ng grupo ang patong-patong na kasong kinahaharap ngayon ng Rappler CEO na si Maria Ressa.
Ayon sa mga banyaga, nakababahala ang mga nasabing kaso at naniniwala ang mga ito ay pawang politically motivated lamang.
Sinabi din ng grupo na ilan sa isinumbong sa kanila ng mga mamahayag ay ang red tagging o pag-akusa sa mga ito na miyembro ng makakaliwang grupo.