-- Advertisements --

Hindi gawa-gawa ng Philippine National Police (PNP) Anti-Kidnapping Group (AKG) ang pahayag nito na may tatlong National Bureau of Investigation (NBI) agents ang sangkot sa panibagong kaso ng kidnapping sa Pampanga.

Ayon kay PNP chief PDGen. Ronald Dela Rosa, ang kaniyang sinabi ay batay sa testimonya ng mga suspek na naaresto ng mga tauhan ng PNP-AKG.

Giit ng PNP chief na batay sa kanilang imbestigasyon, lumalabas na tatlong NBI agents ang sangkot at dalawa sa tauhan ng Bureau of Immigration (BI).

Wala aniyang dahilan para itago niya ang mga impormasyon na batay mismo sa kanilang imbestigasyon.

“Well ako siguro sa tagal na 1 and half year ako, ako yung tao na hindi nagtatago . I dont want to cover up on anything. Yun ang lumabas sa investigation and we never made up that story,” pahayag ni Dela Rosa.

Una nang sinabi ng NBI na plano nilang magsampa ng kaso laban sa PNP chief dahil kinakaladkad nito ang pangalan ng NBI.

Humingi naman ng dispensa si Dela Rosa sa NBI kung nasaktan sila sa kontrobersyal na pahayag pero sadyang kinumpirma raw ng mga suspek.

Nakatakda namang kausapin ni PNP chief si NBI Director Dante Gierran ukol dito.