Pinabulaanan ng Chinese Embassy ang umano’y isinagawang espionage operation ng China sa Pilipinas sa pamamagitan ng kanilang mga Chinese spy.
Ayon sa tagapagsalita ng embahada, malinaw na ang mga paratang na ito ay pawang espekulasyon lamang at walang matibay na batayan.
Ikinababahala rin ng Chinese Embassy ang pangyayari at humiling na makausap ang Chinese national na naaresto ng mga otoridad para makapagbigay ng consular assistance.
Una nang sinabi ng National Bureau of Investigation na nagsasagawa umano ng surveillance activities o pag-iispiya ang Chinese citizen.
Kabilang sa kanilang binabantayan ay mga kampo ng militar, power plants, opisina ng mga LGUs, police camps, pantalan, paliparan at mga shopping malls.
Maliban dito ay binibisita rin umano ng grupo ang Enhanced Defense Cooperation Agreement sites sa bansa.