Mismong ang kasintahan na ni Sue Ramirez ang nagdidipensa sa aktres matapos puntiryahin ng akusasyon na mayroon daw “secret relationship” sa artista ring si Ian Veneracion.
Ayon sa newbie actor na si Javi Benitez, anak ng dating kongresista at bilyonaryong si Albee Benitez, hindi maruming babae si Sue kaya sana ay tigilan na rin ang pagbansag sa kanya ng mga kritiko bilang starlet.
Ugat ng isyu ay matapos ire-post ng 24-year-old actress ang kanyang bikini photo kung saan kita ang kanyang pwet, at doon na inungkat na kalaguyo raw ng 45-anyos na si Ian Veneracion.
Sa panig naman ni Sue o Sue Anna Garina Dodd sa tunay na buhay, pawang “good vibes” ang tema ng mga ipino-post nito online sa gitna ng kinakaharap na kontrobersya.
Noong nakaraang buwan lang nang pagpiyestahan ang pagrampa ni Sue sa dagat kung saan T-back ang kanyang suot na bikini kaya naman agad napansin ng kanyang mahigit 8 million followers ang paalog-alog daw ng kanyang pwet.
Nabatid na kapwa taga-Negros Occidental ang magkasintahan kung saan sa Victorias ang bayan ni Javi, habang sa Sipalay o sa kabilang dulo ng probinsiya, ang bayan naman ni Sue.