Inihayag ng mga mambabatas sa Kamara na unconstitutional kung mayruong kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at China hinggil sa kung paano tugunan ang tensiyon sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea.
Ayon kay Manila Rep. Joel Chua kung mayruon mang secret agreement ito ay illegal at unconstitutional.
Sinabi ni Chua dapat ang nasabing kasunduan ay dapat aprubahan ng Senado bilang treaty.
Sinang-ayunan naman ni Assistant Majority Leader at Ako Bicol Party-list Rep. Raul Angelo Bongalon ang pahayag ni Chua.
Giit ni Bongalon na tila ang China lamang ang may alam sa nasabing kasunduan.
Ipinunto naman ni Bongalon na maaring bawiin ni Pang. Bongbong Marcos ang umanoy kasunduan kung talagang mayruon dahil hindi ito binding sa kasalukuyang administrasyon.
Ibinunyag naman ni Assistant Majority Leader at Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong na ang China ngayon ay nagpapakalat ng mga propaganda para i-divide ang mga Pilipino sa isyu sa West Philippine Sea.
Nakatakda namang magsagawa ng pagdinig sa susunod na linggo ang House Committee on West Phil Sea sa pangunguna ni Mandaluyong Rep. Neptali “Boyet” Gonzales II.