image 654

Pinag-aaralan na ng Bureau of Customs(BOC) ang posibilidad ng umanoy kaugnayan ng ‘Chinese mafia’ sa rice smuggling sa Pilipinas.

Ayon kay BOC Director Vernie Enciso, posibleng ang mga ito ay nauugnay sa ibat ibang lebel ng smuggling, mula sa financing o tagapagbigay ng pondo, distribution, at iba pang pang papel na ginagampanan.

Ayon sa BOC, isa sa pinakamahirap na tukuyin ay ang poinanggagalingan ng mga ipinupuslit na bigas sa bansa, at sa kung sino ang nasa likod nito.

Ayon sa BOC, may mga hakbang nang inumpisahan ng BOC upang matutukan ang naturang impormasyon, at kung gaano ito katotoo.

Sa ngayon, tiniyak ng ahensiya na magpapatuloy pa rin ang ginagawang inspeksyon sa mga warehouse na ginagawang imbakan ng bigas sa ibat ibang bahagi ng bansa.

Sa kabuuan ng 2023, nakapaghain na ang BOC ng 53 cases na kinauugnayan ng 416 importers sa bansa.

Ito ay sumasaklaw sa mga nakumpiska at nasabat na mga produktong agrikultura sa ibat ibang bahagi ng bansa, na may kabuuang halaga na P612million.