-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Nasa korte na umano ang kaso ng tinutukoy ni Senadora Riza Hontiveros na kulto sa bayan ng Socorro, Surigao del Norte na tinatawag na Socorro Bayanihan services, Inc. na umano’y nang-aabuso sa daan-daang kabataan na biktima ng panggagahasa, forced at child marriages pati na sexual abuse.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Mario Semorlan, tagapagsalita ni Surigao del Norte Governor Lyndon Barbers na dalawang buwan na itong iniimbestigahan mismo ng gobernador at ipinaalam na umano sa tanggapan ni Senadora Hontiveros at dinala na nila sa korte.

Nilinaw umano ng adviser ng grupo na si dating provincial board member Mamerto Galanida na hindi kulto ang kanilang grupo kundi isang non-government organization na tumutulong sa mga mahihirap sa nasabing bayan.

Pinabubulaanan din umano nito ang expose ng senadora na may nagaganap na sexual abuse sa mga batang miyembro ng grupo.