Nakubkob ng mga tauhan ng 2nd Special Forces Battalion ang pinagkukutaan ng teroristang Abu Sayyaf Brgy. Danag, Patikul, Sulu kahapon.
Ito ay dahil sa pinalakas na military operation laban sa teroristang grupo.
Ayon kay Joint Task Force Sulu Commander MGen. William Gonzales, inabandona ng mga terorista ang nasabing kuta dahil sa pagmamadali matapos makatunog na may mga government forces na paparating.
Patunay dito ang narekober ang tatlong duyan, dalawang backpack, mga personal na kagamitan at mga pagkain.
Ito ang ikatlong kuta na nakubkob ng militar, una nuong buwan ng Pebrero kung saan dalawang kuta nito ang nadiskubri sa nasabing barangay.
Sa lawak umano ng kuta, kaya nitong pagtaguan ng 15 ASG members, narekober din dito ang mga duyan, personal na kagamitan at mga pagkain.
Samantala, ayon naman kay BGen Antonio Bautista, commander ng 1101st Infantry Brigade na patuloy nilang tutugusin ang ASG.
Walang tigil din ang kanilang ilulunsad na mga combat operations para matugis ang mga nagtatagong mga terorista.
Pagmamalaki naman ni Gonzales napapanatili nila ang kanilang momentum sa kampanya laban sa terorimo, patunay dito ang persistent efforts ng mga ground commanders.
” We’ve been gaining great momentum especially with our achievements in 202. The JTF-Sulu will continue in consonance with the guidance and efforts of the newly-installed AFP Chief of Staff Lt.Gen. Cirilito Sobejana to ultimately destroy the ASG in Sulu the soonest time possible,” pahayag ni Gonzales.