-- Advertisements --

Kasama na sa isinasagawang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) ang umano’y mafia o sindikato sa loon ng PhilHealth.

Sinabi ni Health Sec. Francisco Duque III na ang mga alegasyon na mayroong mga opisyal ng PhilHealth ang sangkot sa umano’y ghost dialysis practice ng WellMed Dialysis & Laboratory Center Corp. ay sinisilip na ng NBI.

Dahil dito, inihanda na rin ang pakikipagtulungan ng PhilHealth sa NBI upang sa gayon ay ma-establish ang pagkakasunod-sunod ng pangyayari.

Sa chronology of eventds daw kasi matutukoy sa kung anu-anong mga opisina ang humawak ng mga dokumento, saan nagkapasahan ng dokumento, saan nagkabalikan ng dokumento, at bakit naging napakatagal bago nila malitis ang kasong ito.

Nauna nang ibinunyag ng dalawang dating empleyado ng WellMed ang umano’y “ghost dialysis” treatments ng mga pasiyenteng matagal nang patay.

Pagkatapos nito ay hiniling ni Pangulong Rodrigo Duterte ang courtesy resignation ng mga matataas na opisyal ng PhilHealth, kabilang na ang acting president na si Dr. Roy Ferrer.

Samantala, nakakulong na sa ngayon si Bryan Sy, isa sa mga may-ari ng WellMed, dahil sa reklamong estafa.