-- Advertisements --
image 48

Napatay sa ikinasang police operation ang umano’y mastermind o utak sa pag-ambush kay Lanao del Sur Governor Mamintal Adiong Jr.

Kinumpirma ni Lanao del Sur police provincial director Col. Robert Daculan na ang lider ng private armed group na si Oscar Tacmar Capal Gandawali ay napatay matapos na manlaban at nakipagpalitan ng bala laban sa mga pulis at military personnel dakong alas-3 ng hapon nitong araw ng Miyerkules, Mayo 3.

Nasugatan din sa insidente ang isang sundalo na si Army 5th Infantry Battalion (IB) personnel Staff Sgt. Michael Angelo Y. Virecio at kapitan ng Barangay Pilimoknan na si Gamon Manonggiring.

Ayon pa sa Provincial director na isisilbi sana ng mga awtoridad ang walong warrant of arrest para sa kasong pagpatay at frustrated murder laban sa suspek nang mangyari ang shootout.

Natiktikan umano ng suspek ang mga paparating na mga pulis at sundalo at agad na nagpaputok ng baril.

Narekober mula sa safe house ng suspek ang mga baril, mga iba’t ibang bala ng baril at mga iligal na driga at shabu paraphhernalia.

Una rito, si Gandawali ay ti-nag bilang utak sa pag-ambush kay Governor Adiong Jr. sa bayan ng Maguing noong Pebrero 17 na ikinasawi ng tatlong police escorts at driver ng Gobernador habang nasugatan naman ang local executive at ganap ng nakarekober.

Ibinunyag din ng PNP official na ang naturang suspek din ang mastermind sa ambush na ikinamatay ng limang ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Kapai, Lanao del Sur noong Oktubre 2018.

Habang ang grupo ni Gandawali din ay iniuugnay sa gun-for-hire operations, gunrunning, robbery, at paglaganap ng illegal drugs sa Lanao del Sur.

Ti-nag din ito bilang financier at supporter ng Daesh-inspired local terrorist group.

Kabilang din si Gandawali sa wanted list ng pulisya bilang most wanted person sa Lanao del Sur at ika4 na most-wanted person sa buong Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).