Iniimbestigahan na ng Philippine National Police (PNP) Maritime Group ang umano’y nag-leak na memo na sana ay para sa mga shipping company partikular ang mga sasakyan na umano’y may dalang mga improvised explosive device (IED).
Ayon kay PNP Spokesperson C/Supt. Dionardo Carlos, may imbestigasyon ng ginagawa ang Maritime Group bunsod sa lumabas na memo na sana ay magsisilbing information guidance o stakeholders sa pier ng Dapitan.
Giit ni Carlos na kung mayroon man talagang memo, sana ay hindi na ito pinakalat pa.
Binigyang-diin ni Carlos na hindi binabalewala ng PNP kapag may mga report na nagsisilabasan, bagkus ay kanilang inatasan ang kanilang intelligence community para i-validate ang nasabing report.
Nakasaad sa kontroberysal na memo ang mga plate number ng mga sasakyan na umano’y may kargang mga IED.