-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Matagumpay na naaresto ng mga otoridad ang sinasabing miyembro ng local terrorist group na Ansar Al-Khilafa Philippines sa Lungsod ng Heneral Santos.

Ayon kay Capt. Dave Estorninos, spokesperson ng Joint Task Force GenSan, sa pamamagitan ng pinagsanib na puwersa ng Joint Task Force GenSan at City Intelligence Branch, ala-1:00 ng madaling araw nang planuhin ang pagdakip kay Jomar Antang Maan alyas Potpot na residente ng Purok C, Upper London, Barangay Bawing nitong lungsod.

Nakuha sa kanyang posisyon ang iba’t-ibang uri ng armas na kinabibilangan ng tig-iisang unit ng caliber. 45 pistol, gayundin sa caliber .38 revolver at M16 rifle, improvised explosive device at mga magazines, ammunitions at black ISIS (Islamic State of Iraq and Syria) flag.

Sinabi pa ni Capt. Estorninos na isang kusinero ni Tokboy Maguid si alyas Potpot na mahaharap sa mga kasong paglabag sa Republic Act (RA) 10591 o unlawful possession of firearms and ammunition at RA 9516 o unlawful possession of explosibvves and incendiary device.