-- Advertisements --

CEBU CITY – Isa ang nasawi habang dalawa ang sugatan sa nangyaring engkwentro sa pagitan ng hanay ng mga otoridad at rape suspek kagabi sa Barangay Lataban, bayan ng Liloan, Cebu nang isilbi sana ang warrant of arrest.

Miyembro umano ng kultong “Tadtad” ang napatay na si Arnel Capangpangan, 35, at sugatan naman ang kapatid nitong si Marlou Capangpangan, 25, matapos matamaan sa likod nito.

Maliban kay Marlou, natamaan din ng bala sa kaliwang bahagi ng katawan ang team leader ng Anti-Kidnapping Group-7 na si Lt. Zosimo Ravanes Jr., 53.

Ipinapakita sa ulat ng pulisya na magsilbi sana sila ng warrant of arrest sa apat na suspek ng panggagahasa.

Nauna pa umanong nagpaputok ang magkapatid kaya gumanti na ang pulisya.

Sa ngayon, nananatiling “at large” ang dalawa pang suspek matapos nagawang makatakas sa mga otoridad.