-- Advertisements --
CAGAYAN DE ORO CITY – Tinututukan na ngayon ng local Inter-Agency Task Force ng Iligan City ang umano’y fake contact tracing team na nanghihingi ng bank accounts sa mga close contacts ng nagpositibo ng COVID-19.
Ayon kay Joe Pantoja, city information officer ng Iligan, hindi na bago sa kanila ang mga impostor na mga contact tracers at ito’y mino-monitor na ng mga otoridad.
Sa ngayon, karagdagang 19 kaso ng local transmission ang naitala sa siyudad kung saan karagdagang isang local case na pasyente ang namatay.
Hinimok ni Pantoja ang mga non-residents sa kanilang lungsod na huwag pumasok sa kanilang lugar upang hindi mahawaan ng virus.