-- Advertisements --

Nilinaw ngayon ng Western Mindanao Command (WestMinCom) na hindi ginawang basehan ng militar ang umano’y mga bagong presensiya ng mga foreign terrorist mula sa Middle East para palawigin pa ng isang taon ang umiiral na Martial Law sa Mindanao.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay WestMinCom Spokesperson Lt. Col. Gerry Besana, sinabi nito ang clamour ng mga tao ang kanilang naging basehan para i-extend pa ng isang taon ang Batas Militar na magtatapos sa Disyembre 31.

Ayon kay Besana, ang mga banyagang terorista na kanilang namo-monitor ay matagal nang nakapasok sa bansa at kanila na itong tinutugis sa ngayon lalo na sa areas of responsibility ng WestMinCom.

Ang grupo ni Abu Turaife ang isa sa mga tinutugis ngayon ng militar sa Central Mindanao.