-- Advertisements --

Sugatan ang isang 17-anyos na binatilyo matapos makatamo ng saksak sa likod na umano’y nang bully sa loob ng isang internet cafe sa General Santos City.

Makikita sa CCTV footage ang dalawang lalaki na nakaupo sa internet cafe nang biglang lapitan ng tatlong mga kalalakihan at tabihan ng biktima na maydalang patalim at akmang gigilitan sa leeg ang suspek na naturang 17-anyos rin.

Maya-maya lang, galit na biglang tumayo ang suspek at tinarakan nito ng patalim sa likod ang biktimang nakaupo.

Batay umano sa ilang saksi, sinabi ng mga awtoridad nanaksak umano ang suspek dahil sa binully daw ito at sinabihan ng mabaho.

Sumuko naman ang suspek sa mga awtoridad, pati na ang ginamit na patalim. Dahil menor de edad, dinala siya sa Bahay-Pagasa ng Department of Social Welfare and Development Office (DSWD).