-- Advertisements --

CEBU CITY – Binaril pagkatapos ay ibinitin pa ang isang lalaki sa ilalim ng tulay sa Sitio Isla Berde, Barangay San Isidro, Lungsod ng Talisay sa Cebu.

Kinilala ang biktima na si Renante Autero, tinatayang 40-anyos at residente ng Sitio Isla Pula, Barangay San Isidro, sa nasabing lungsod.

Makikitang may takip sa mukha ang biktima at may nakalagay pang karatula na nagsasabing, “Huwag akong tularan. Isa akong holdaper.”

Basi sa inisyal na imbestigasyon, inihayag ni Talisay City Deputy Chief Police Captain Nazareno Emia na notorius holdaper at sinasabing labas-masok na ito sa bilangguan.

Ayon pa kay Police Captain Nazareno, sangkot din ang biktima sa iligal na droga.

Sa ngayon, tinitingnan ng pulisya ang posibilidad na miyembro ito sa grupo ng mga holdaper na nambibiktima ng mga pasahero ng jeep gayundin ng mga tricycle sa lugar.