Pinagpapaliwanag ngayon ng Commission on Audit ang Armed Forces of the Philippines matapos na masilip ng komisyon ang umano’y overpaid na pention na ibinigay ng AFP sa mga patay nang pentioner.
Batay sa annual audit report ng COA, aabot sa mahigit P73.11 million ang na release sa mga patay nitong pentioner noong 2021 hanggang 2023.
Ayon sa COA, aabot sa 264 dead pensioners ang nabigyan ng pention noong July 15, 2019 na paglabag umano sa AFP Standard Operating Procedure (SOP) No. 14.
Aabot naman sa P43 million ang naibayad sa mga patay na nitong pentioner noong nakalipas na taon habang P29.5 million naman noong 2021 hanggang 2022.
Inabot rin aniya ng anim hanggang 24 buwan o higit pa ang pagsasama sa mga pangalan ng mga patay na pensioners sa payroll ng AFP.
Ayon pa sa COA, ilan sa mga pensioners ng AFP na may edad 70 ay namatay bago ang kanilang taunang update schedule na maaari namang sinadya o hindi sinadya ng mga kamag-anak nito na hindi ipaalam sa AFP.
Sinabi pa ng komisyon na hindi sapat ang mga nakapaloob na alintuntunin para sa pagbabayad ng pention sa ilalim ng Standard Operating Procedure (SOP) No. 14.