Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) na iimbestigahan nila ang umano’y overpricing ng karne ng baboy sa merkado.
Ayon kay DA Secretary William Dar, makikipag-ugnayan daw ang kagawaran sa mga hog raisers para tugunan ang umano’y pagsirit ng presyo ng karne.
Sa ngayon ay nasa P190 per kilo ang suggested retail price para sa karneng baboy.
Inihayag din ng kalihim na sapat pa rin ang suplay ng karneng baboy, lalo na sa Visayas at Mindanao, sa kabila ng epekto ng African Swine Fever (ASF).
Kaugnay nito, sinabi rin ng ahensya na batay sa pinakahuling datos, bumaba na raw ang mga naitatalang kaso ng ASF sa iba’t ibang mga lugar sa bansa.
Sinabi ni DA Usec. Ariel Cayanan, nakatulong din umano ang ipinatupad na quarantine restrictions para mapigilan ang pagkalat ng ASF.
“‘Yung mga hindi sumusunod sa regulasyon na pinapatay at binebenta ang may sakit, napigilan,” anang opisyal.