BUTUAN CITY – Pinabulaanan ni Mines and Geosciences Bureau o MGB-Caraga regional director Larry Heradez ang kumakalat na mga haka-haka na aabot umano sa 37-milyong piso ang halaga ng mga nakuhang raw minerals lalo na ang gold mula sa dalawang gold processing plants sa Brgy. Tugbungon at Brgy. Rizal, Surigao City sa lalawigan ng Surigao del Norte.
Ayon sa opisyal, patuloy pang ini-evaluate ng kanilang concerned personnel ang mga raw materials kung kaya’t wala pang specific value ang mga ito.
Nilinaw din ng opisyal na on-and-off ang operasyon ng nasabing mga minahan na nagsimula sa kanilang operasyon nito pang nakalipas na taon at tatlong beses na nilang sinita a pamamagitan ng pag-i-isyu ng cease and desist order at executive order naman sa panig ng lcal government unit.
Dahil sa katigasan ng ulo ng mga finaciers nito kung kaya’t isinagawa nila ang pinakahuling operasyon noong may nahuli nang mga Chinese nationals.