-- Advertisements --

LAOAG CITY – Mahigpit na pinabulaanan ni Agriculture Sec. William Dar ang pagkasira umano ng NFA rice na nagkakahalaga ng apat na milyong piso.

Ginawa ito ni Dar sa Stakeholder Forum sa Mariano Marcos State University (MMSU) sa lungsod ng Batac na dinaluhan ng mga magsasaka sa Ilocos Norte.

Tiniyak ni Dar na walang katotohanan ang nasabing report kung saan sinabi pa na hindi niya alam kung kanino galing ito.

Inimbitahan ng opisyal ang mga kasapi ng media na bisitahin nilang lahat ang mga NFA warehouses sa buong bansa.

Ayon pa kay Dar, may buffer stock ang NFA sa loob ng 30 araw.

Subalit sinabi niya na gusto pa nilang madagdagan ang buffer stock para siguradong may mabibili ang mga tao.