(Update) BAGUIO CITY – Tiniyak ng Commission on Elections (Comelec) na iimbestigahan ang diumano ‘y pag-inspeksyon ni Police Regional Office (PRO)-Cordillera regional director Brig. Gen. Israel Ephraim Dickson sa warehouse ng komisyon sa Baguio City.
Ayon kay Comelec spokesman James Jimenez, hiniling na niya ang detalye mula sa field official ng ng malaman kung ano ang totoong nangyari kaya siya nagtatanong.
Aniya, hindi puwedeng pumasok ang isang police officer sa isang pasilidad ng Comelec kahit pa sa mga polling centerss na walang pahintulot at imbitasyon.
Dinagdag niya na preliminary information ang nakuha nila at sa kanyang pagkaintindi, may security noong maihatid ang mga vote counting machines at iba pang election paraphernalia sa warehouse ng komisyon sa Baguio kung saan nakuhanan lamang ng larawan ang pulis na nag-oobserba sa proseso.
Una nang sinabi ng mismong regional director ng PRO-Cordillera na walang batas na nalabag sa insidente dahil ang layunin ng pagpunta niya sa warehouse ay para inspeksyunin ang mga pulis na nagbabantay doon.
Nagkataon lang aniya na inihatid din ang mga nasabing paraphernalia at wala silang nakitang warehouse supervisor mula sa komisyon para sana sa koordinasyon ng mga ito.