-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Nakatakdang magsagawa ng aktibidad ang Police Regional Office-12 alinsunod sa 24th Police Community Relations Month.

Isa sa aktibidad ay ang lectures na may kinalaman sa legalidad ng investment schemes kung saan imbitado ang academe, religious sector, mga negosyante, abogado at iba pang stakeholders.

Layunin nito na maiwasan na maloko lalo na ang mga mahihirap matapos nagsulputan ang mga investments scams sa GenSan.

Kabilang dito ang Police Paluwagan Movement kung saan marami ring nabiktimang mga pulis sa naturang billion pesos scam at ang KAPA Ministry International kung saan 95 percent sa mga taga-city hall ang nabiktima, maraming indibidwal at mga mahihirap na hanggang ngayon ang nangangamba na hindi na maibabalik pa ang kanilang pera.

Napag-alaman na may nagreklamo na sa himpilan na gustong maibalik ang kanilang na-invest dahil ibinenta na nila ang kanilang mga hayop at ari-arian para lamang may makuhang tubo na 30 percent kada buwan sa KAPA.

Kung matatandaan, sinabi ng mga supporters ng KAPA na magbabalik operasyon sila ngayong araw subalit hindi malaman kung saan dahil sarado pa rin ang main office sa Alabel at patuloy na nagtatago ang founder na si Joel Apolinario.