Iimbestigahan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang umano’y pagdating sa bansa ng isang shipment na naglalaman ng mga bakuna mula sa American company na Moderna.
Una rito, dumating na raw sa Maynila kahapon ang nasabing mga COVID vaccines at may ilang pulis din daw ang humingi ng contractor’s tax.
Ayon kay DILG Usec. Jonathan Malaya, nakipag-usap na raw siya kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire tungkol sa isyu.
Tugon aniya ni Vergeire, walang inasahang shipment ng bakuna galing Moderna ang Department of Health kahapon.
Nilinaw din ni Malaya na ang contractor’s tax ay ang lokal na buwis na ipinatutupad ng mga local government units.
Paglalahad pa ng opisyal, inaasahan pa na sa ikatlong quarter ng taon darating ang mga bakunang inorder ng mga LGUs.
Binigyang-diin ni Malaya na walang karapatan ang mga LGUS na magpataw ng buwis dahil ito ay nasa kamay lamang ng Bureau of Customs.