Sisimulan na ng Bureau of Immigration ang imbestigasyon sa impormasyong nakalabas na ng bansa ang self confessed hitman na si Edgar Matobato.
Ayon kay Immigration spokesperson Dana Sandoval, sa ngayon ay hindi pa nila makumpirma kung nakaalis na ng bansa ang naturang indibidwal.
Si Matobato ay ang self-confessed hitman ng umano’y Davao Death Squad.
Batay sa report, nasa ilalim ito ngayon ng protective custody ng International Criminal Court at nakatakdang tumulong sa imbestigasyon ng International body laban sa umano’y madugong war on drugs ng nakalipas na administrayon.
Una nang ibinunyag ni Matobato na kabilang siya sa mga nagsagawa ng mga pagpatay mula sa noo’y alkalde ng Davao City na si dating PRRD.
Sa naging pagharap nito sa Senate investigation, sinabi nito na responsable rin sa ilang serye ng pagpatay ang Presidential Anti-Organized Crime Task Force sa lungsod ng Davao.