Magiging malaking problema umano ng Pilipinas kung totoo ang mga ulat na nakapasok na sa bansa ang Indian variant ng coronavirus disease.
Ayon kat OCTA Research fellow Dr. Guido David, malaki ang magiging epekto ng nasabing variant kung kakalt ito sa National Capital Region (NCR) at mga kalapit na lugar dahil hindi raw malayo na muli na namang sumirit ang kaso ng nakamamatay na virus tulad sa mga nakalipas na buwan.
Kahit aniya nakakakita na ng pagbaba sa naitatalang COVID-19 case sa Metro Manila ay hindi pa rin ito garantiya na kakayanin ng NCR na muling tumaas ang kaso ng COVID-19 dahil nananatili pa ring mataas ang healthcare utilization rate.
Sa ngayon ay bumaba na ng 0.74 ang reproduction number sa NCR.
“But at this point, the case level still significant and hospitals are still basically have high occupancies so we cannot really afford another surge at this point in time,” wika ni David.
Dagdag pa ng eksperto na ang bilang ng kaso sa Metro Manila ay nasa downward trend na pero nananatili itong “relatively unstable” sa mga lugar na wala pang pagbaba ng kaso sa mga nakalipas na linggo.
Magugunita na nagpatupad ang Pilipinas ng travel ban sa mga indibidwal na magpupunta o manggagaling sa India noong Abril 27. Ito ay bilang pag-iwas ng pamahalaan sa posibilidad na makapasok sa bansa ang Indian variant.