-- Advertisements --

Binatikos ng pangalawang pangulo ng bansa ang umano’y pamimili ng pirma ng ilang grupo para peoples initiative na naglalayong amyendahan ang Konstitusyon

Sa isang pahayag, sinabi ni VP Sara Duterte na nagpapakita lamang ito sa mga politiko na namimili ng boto tuwing eleksyon.

Ito aniya ay malinaw na pananamantala sa mga mahihirap na Pilipino.

Giit pa ni VP Sara na ito ay nagpapakita lamang ng kawalang respeto sa karapatan ng mga mamamayang Pilipino na makapagpahayag ng malayang desisyon na walang takot ang impluwensya ng anumang halaga ng pera.

Malinaw aniya na ang ganitong gawain ay sumasalamin lamang sa kawalang pakialam ng mga politiko sa kalagayan ng mga ordinaryong mamamayan ng bansa.

Pinaalalahanan naman ng pangalawang pangulo ang publiko hinggil sa mga maaaring kapalit ng kanilang pirma para sa peoples initiative .

Maaari aniya itong magdulot ng seryosong epekto sa buhay ng isang tao maging sa kanyang kalayaan at kinabukasan.