-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Hinikayat ng Department of Health Center for Health Development-Caraga ang publiko na hwag maniniwala sa kumakalat ngayong mga reports sa iilang mga Facebook accounts o pages kaugnay sa mga kaso ng Pertussis dito sa Caraga Region.

Sa kanilang inilabas na advisory, nilinaw ng ahensya na mali at misleading ang mga reports ukol sa umanoy Pertussis outbreak dahil wala umanong matibay nag ebidensyang susuporta sa claim na ito, base na rin sa kanilang aktibong monitoring sa mga kaso.

Pinayuhan na lamang nito ang publiko na mag-iingat kung makakakuha sila ng ganitong impormasyon at maniniwala lamang sa maaasahang sources ng impormasyon mula sa Department of Health o kaya’y sa kanilang mga kina-uukulang local health agencies.