-- Advertisements --

Dapat na umanong magpatingin sa isang psychiatrist si CPP-NPA-NDF (Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front) Chairman Joma Sison dahil nagha-hallucinate na ito.

Ito’y matapos kaniyang ibinunyag na plano raw siyang i-assassinate ng Central Intelligence Agency (CIA) at maging si Pangulong Rodrigo Duterte ay binabalak na patalsikin sa puwesto.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff Gen. Eduardo Año, ang panibagong pahayag ni Sison ay nagmumula lamang sa kaniyang imahinasyon.

Kaniya pa raw naalala na noong 1999, ito rin ang kuwento ni Sison kay dating Pangulo Joseph Estrada kung saan nagpadala raw ng isang team sa Netherlands si Erap at dating Philippine National Police (PNP) Chief Panfilo Lacson para siya ay patayin.

Pagbibigay diin ni chief of staff na hindi lamang kriminal si Sison, kundi mapalinlang din ito at isa ring dakilang sinungaling dahil nire-recycle o inuullit lamang nito ang kaniyang mga alegasyon.

“I believe Sison needs professional psychiatric help to treat his hallucinations. His statement is another pigment of his imagination. If I remember right, yan din ang kuwento nya nung 1999 during the time of former President Estrada where he also alleged t hnaat a hit team was sent to Netherland by Pres Estrada and former Chief PNP Dir Gen Panfilo Lacson to kill him using former ABB and RJ Faction operatives. Exactly the same plot as narrated by Sison. Sison is not only a criminal and master of deception but a congenital liar,” mensahe ni Gen. Año.