-- Advertisements --

Walang nakikitang iligal ang fact-finding team ng PNP Internal Affairs Service (IAS) sa umano’y paglalagay ng iligal na secret cell na nadiskubri sa Manila Police District (MPD).

Ayon kay PNP-IAS Inspector General Atty. Alfegar Triambulo na batay sa resulta ng kanilang imbestigasyon, na ang nasabing secret jail ay nagsisilbing holding area para sa mga bagong naarestong indibidwal dahil hindi na magkakakasya ang mga ito sa kulungan dahil sa sobrang dami na ng mga preso ang nakakulong.

Binigyang-diin ni Triambulo na wala din silang nakitang paglabag sa karapatang pantao.

Giit ni Triambulo na magkakaroon lamang ng paglabag at magiging iligal ito kung pinagkaitan ang mga suspeks ng kanilang karapatan, gaya nang pinag gugulpi ang mga preso at hindi pinapayagan ang mga kamag anak na mabisita ang mga ito.

Gayunpaman, sinabi ni Triambulo na wala na silang magawa dahil naunahan sila ng Commission on Human Rights na magsampa ng kaso ukol dito.

Aniya, kung sino ang unang nagsampa ng kaso ay ito na ang itutuloy  dahil mayroong tinatawag na exclusivity.