NAGA CITY- Nagpapatuloy ngayon ang imbestigasyon ng mga otoridad sa umano’y sex video ng isang dalagita na ikinalat ng dalawang menor de edad.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga mula sa Quezon Police Provincial Office (QPPO), nabatid na Hulyo 29, 2019 pa nang mawala ang cellphone ng 15-anyos na biktima na pinaniniwalalang ninakaw ang 14 at15-anyos na mga suspek.
Sa naturang cellphone umano nakasave ang sinsabing sex video ng biktima at ng boyfriend nito kung saan napagkatuwaan ng dalawang menor de edad na suspect na ikalat sa social media.
Kaugnay nito, nakakaranas na umano sa ngayon ng trauma ang biktima dahil sa pangyayari.
Samantala, nai-turn-over na rin ng Guinayangan-PNP ang naturang kaso sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para makarampatang disposisyon.