-- Advertisements --

Nadiskubre ng mga otoridad ang umano’y shabu Lab sa isang paupahang bahay sa Tanza, Cavite matapos ang naganap na pagsabog.

Batay sa paunang imbestigasyon, nangyari ang malakas na pagsabog bandang alas 5 ng madaling na gumising sa mga residente ng Barangay Sahud Ulan in Tanza, Cavite.

Ayon sa mga saksi, matapos ang pagsabog ay kaagad na tumakas ang mga tenants ng nasabing rental house.

Nahagip pa ng CCTV ang pagtakas ng mahigit limang indibidwal patungo sa Antero Highway.

Ayon sa Kapitan ng lugar, nangupahan ang mga ito noon pang Nobyembre ng nakalipas na taon sa pamamagitan ng social media transaction sa kamag-anak ng may-ari ng bahay.

Mula noon ay walang napansin na anumang kahina-hinalang aktibidad ang mga kapitbahay nito maliban laban sa sunod-sunod na deliveries.

Paliwanag naman ng Philippine Drug Enforcement Agency na tinatayang aabot sa 20 kilos ng ilegal na droga ang kayang iproduce ng nasabing laboratory batay sa mga nakuhang ebidensya.

Narekober sa lugar ng pagsabog ang mga drug manufacturing chemicals, drug paraphernalia, gas masks at sachets ng mga pinaghihinalaang finished products ng shabu.

Magsasagawa naman ng imbestigasyon ang PDEA upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga banyaga at Pilipinong tenants ng naturang bahay.