ILOILO CITY – Patuloy ngayon ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad matapos lumitaw ang isa umanong sinkhole sa Muelle Loney, Iloilo City proper.
Ang sinkhole ay isang malalim na uka sa ilalim ng lupa na kadalasang lumilitaw pagkatapos ng matagal o malakas na ulan o lindol.
Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Jeck Conlu, pinuno ng Public Safety and Transportation Management Office (PSTMO), sinabi nito na kinordonan na ng mga otoridad ang kalsada upang maiwas sa disgrasya ang mga motorista at residenteng panay ang silip sa sinkhole.
Anya, ipagpapatuloy naman aniya ng Department of Public Works and Highways ang inspeksyon sa kalsada gamit ang mas makabagong teknolohiya.
Dahil rin dito sa sinkhole na ito na may lalim na isang metro at may sukat na dalawang metro, hindi madaanan ng mga motorista ang isang bahagi ng kalsada sa lugar.
Mananatili aniya itong sarado hangga’t maideklarang ligtas na itong madaanan muli ng mga motorista.