-- Advertisements --

Matagumpay na naharang ng mga tauhan ng Bureau of Immigration ang isang umano’y surrogate mother na papaalis sana ng bansa.

Ayon sa ahensya, nagtungo ang indibidwal sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 bilang isang solo traveler.

Ang biktima ay isang 34 anyos na nagpresenta ng isang imbitasyon mula sa isang vitro fertilization (IVF) clinic.

Naghinala ang mga tauhan ng BI dahil hindi nito masagot ang mga simpleng katanungan ng kanilang mga personnel.

Kalaunan ay umamin ito na inalok lamang siya ng 300k kapalit ng pagbubuntis nito at ibibigay sa isang banyaga kapag nailuwal na.

Ayon sa ahensya, patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga human trafficking para sa surrogacy at tinatarget nito ang mga naghahanap ng trabaho online.

Kadalasang alok nito ay aabot sa 500k hanggang 800k para sa mga nagdadala ng sanggol.

Samantala, naiturnover na ang babaeng biktima sa Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) para sa kaukulang tulong.