Iniimbestigahan na ng Department of Social Welfare ang Development(DSWD) ang mga natanggap na report na umano’y tampering ng mga family food packs na ipinamamahagi ng ahensya.
Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, unang nakatanggap ng reklamo ang ahensya ukol sa tampering katulad ng hindi pagbibigay ng buo sa laman ng food packs at iba pang kahalintulad na reklamo.
Ayon kay Gatchalian, hahabulin ng ahensiya ang mga indibidwal na gumagawa sa naturang sistema. Wala aniyang sinuman na may karapatang bawasan o tanggalin ang nilalaman ng mga food packs.
Aniya, ang mga FFP boxes ay may kasamang DSWD seal ay may nakalagay na listahan ng mga nilalaman.
Ayon pa sa kalihim, ang bawat box ay naglalaman ng anim na kilo ng bigas, apat na piraso ng canned tuna, dalawang canned sardines, apat na piraso ng corned beef, limang sachet ng 3-in-1 coffee at limang sachet ng cereal drink.
Dapat aniyang eksakto ang laman ng mga FFP boxes na makukuha ng mga biktima. Kung sakali mang kulang, hinikayat ng opisyal ang mga benepisyaryo na ireport ito sa mga local office ng DSWD.