-- Advertisements --

Pinabulaanan ng Pilipinas ang claim na China na tuluyan na nitong isinailalim sa kanilang kontrol ang Sandy Cay na isang maliit na sandbar sa Pag-asa Island sa WPS.

Ayon kay National Security Council Assistant Director General Jonathan Malaya, ang ipinakalat na balita ng Chinese state media ay hindi totoo.

Giit ng ahensya na walang dokumento o facts na magpapatunay sa claim ng China Coast Guard na kontrolado na nito ang naturang sandbar .

Una nang ipinakalat ng Chinese state media na nagpatupad sila ng maritime control sa Sandy Cay sa kalagitnaan palang ng buwan ng Abril.

Noong linggo , inakusahan ni Chinese coast guard spokesperson Liu Dejun ang anim na Pilipino na umano’y dumaong sa sandbar sa kabila ng mga warning na kanilang inilagay.

Matapos nito ay kaagad na nag deploy ang Pilipinas ng 4 teams ng Inter-Agency Maritime Operation para iberepika ang claim ng China.

Sa pagdating ng mga ito ay wala silang nakitang presensya ng mga Chinese forces doon bagaman may namonitor silang China Coast Guard at militia vessels malapit sa lugar.

Ayon naman kay Philippine Coast Guard spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela, ang pahayag ng China ay malinaw na kasinungalingan at isang uri ng disinformation.