Nanawagan si ACT Teachers Party-list Rep. Antonio Tinio sa mga miyembro ng Kamara na resolbahin ang issue ng napaulat na suhulan para sa speakership race.
Iginiit ni Tinio na hindi dapat ipagkibit balikat lamang ang issue ng vote buying para sa pinakamataas na posisyon sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Ang hamon na ito ay ginawa ng kongresista sa harap na rin ng nakatakdang pagpupulong ng ruling party na PDP Laban members bukas para talakayin kung sino ang ibobotong Speaker ng Kamara sa 18th Congress.
Kasabay ng pagpupulong na ito ay inaasahan ding maglalabas ng desisyon ang Party-list Coalition sa kung sino ang kanilang susuportahan sa speakership post.
Nauna nang ibinunyag ni dating House Speaker Pantaleon Alvarez ang hinggil sa P1 million na sa pinaglalabanang posisyon.
Bagamat hindi pinangalanan ni Alvarez kung sino ang nasa likod ng vote buying, may mga nagsasabi na si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco raw ito dahil na rin sa suporta ng ilang malaking kompanya sa bansa.
Samantala, sinabi naman ng isa sa mga speaker-aspirant na si Pampanga 3rd District Rep. Aurelio “Dong” Gonzales na posibleng pumalo pa raw ang vote buying sa speakership race ng hanggang P7 million.
Dahil nanggaling ang mga alegasyon na ito sa mga miyembro ng PDP-Laban, sinabi ni Tinio na kailanga talakayin ng kanilang partido ang usapin na ito.