-- Advertisements --
IMAGE © Green Left Weekly

Hinatulang guilty sa salang dalawang bilang ng public nuisance ang siyam na pro-democracy activists sa Hongkong dahil sa kanilang pakikiisa sa isang civil disobedience movement na nananawagan ng free elections sa bansa.

Ito ay kaugnay sa pagiging parte ng mga ito sa tinatawag na “Umbrella Movement” protest kung saan libo-libong katao ang nag martsa at ipinaglaban ang karapatan umano ng Hongkong na pumili ng kanilang pinuno.

Tatlo sa mga nahatulang guilty ay sina sociology professor Chan Kin-man, 59, law professor Benny Tai, 54, at Baptist minister Chu Yiu-ming, 74 ay maaaring kumaharap sa pitong taong pagkakakulong.

Ang nasabing protesta ay umusbong noong naglabas ng desisyon ang China na papayagan ang direktang eleksyon noong 2017 ngunit para lamang sa mga kandidatong pre-approved na ng pamahalaan ng Beijing.